Huwebes, Hulyo 7, 2011

Ang Lumang Cellphone

Ang ordinaryong araw ko ay magsisimula ng ika-pito ng umaga. Pagkasing tutuloy na ako ng banyo upang maghilamos upang gisingin ang natutulog ko pang diwa. Pagkatapos nun ay pupunta ako ng kusina upang tingnan kung kailangan ko pa bang magluto o kung ano nalang ang natira sa hapunan yun nalang ang gagawin kong pang umaga. Pagkakain ako'y maliligo na upang maihanda ang sarili sa alas-diyes na pasok sa trabaho. 
Ika-pito ng Hulyo taong 2011. Isang ordinaryong umaga. Pagdating sa trabaho, kagaya ng nakasanayan bubuksan ko ang lahat ng computer upang maihanda sa pagdating ng mga customer, sapagkat ako ay nagtatrabaho sa isang computer shop. Gaya ng inaasahan di katagalay isa-isa ng nagsidatingan ang mga parokyano ng shop na pinapasukan ko. Patuloy lang ang mga tsansaksyon sa umagang iyong hanggang sa may dumating na mama na magpapakopya daw sya ng nbi clearance nya. Tinanong ko sya kung ilang kopya ang kailangan nya. Doon ay nagduda ako sa sagot nya dahil parang hindi niya alm ang sasabihin nya. Na pakiwari ko'y hindi naman talaga iyon ang sadya niya. Ngunit dahil siya ay kustumer pinakiharapan ko siya ng maayos. Hanggang sa huli hindi naman pala niya itunoloy kung anuman ang gusto niyang ipagawa sa akin. Mabilis itong umalis. Lumipas ang mga oras hanggang sa naalala ko ang isa kung cellphone na inilagay ko sa drawer ng aking mesa. Tiningnan ko upang alamin baka me nag padala ng mensahe. Doon ay napag alaman ko na nawawala ang aking cellphone. Hinanap ko ito ngunit  di ko talaga matagpuan. Doon ay naalala ko ang kaduda-dudang lalaki na lumapit sakin. Hindi maganda ang magbintang sa kapwa. Ngunit siya lang ang bukod tanging lumapit sa pwesto ko na wala namang pinagawa o maayos na dahilan upang lumapit sa pwesto ko. 
Una'y nagalit ako. Oo luma na ang cellphone na yun. Di na nga iyon nagtatagal ng isang araw kapag ginamit mo pantawag. sapagkat luma na ang battery nun. Pero matagal na iyon sakin. At iyon ang kasama ko sa halos anim na taon. Kaya't kahit na may bago na akong cellphone di ko parin iyon pinamigay.Ang trato ko doon ay hindi lang isang bagay. Kundi isang mahalagang kaibigan. Gusto kung maiyak ngunit ano paba ang magagawa ko. Hindi rin nun maibabalik ang nawala. Nag isip ako ng malalim. Alam ko kahit kaylan di na maibabalik sakin ang gamit ko na yun. Ngunit alam kong may nakakita sa pangyayaring iyon. Ang Diyos na siyang maghuhusga pagdating ng araw. Oo galit ako dun sa kumuha ng gamit ko. Pero ayokong ubusin ang araw ko sa galit. Kahit na namimis ko ang luma kong cellphone na iyon. Unti-unti kung tinanggap sa sarili ko na may mga bagay na kahit anong gawin mo, nangyayari ng di mo inaasahan. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na ganun talaga ang buhay dito sa mundo. May mga taong walang pakialam at pagpapahalaga sa kapwa nila. At sariling kagustuhan at pangangailangan lamang ang iniisip. At sa nangyari isang mahalagang leksyon ang natutunan ko. Oo di tama ang humusga sa kapwa dahil lamang sa mukha silang masama. Pero di rin mali ang mag ingat at maging alerto sa mga nararamdaman natin. Dahil ang pagiging mapagmatyag kadalasan iyon ang nagliligtas satin sa posibling masamang mangyari. 
Sa araw na ito tanggap ko na sa sarili ko na di ko na makikita ang gamit ko na iyon kahit kaylan. Ngunit ang pagpapahalaga ko doon ay mananatili sa aking puso. May mga oras na sinisisi ko ang aking sarili. Na sana kung di ako naging pabaya kasama ko pa sana ang cellphone ko na iyon. Ngunit iniisip ko rin sa malaot madali mawawala din iyon sa akin. Dahil lahat ng bagay ay may katapusan. Posibleng ito ay mawala o masira. Ang mahalaga sa lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay ang mga aral na ating natututunan. Upang tayo'y maging mas mabuting tao sa hinaharap..
Paalam na sa aking lumang cellphone. Ngunit ang pinagsamahan namin ay di na mabubura sa aking puso..  Doon sa kumuha noon ang Diyos ang nakakita at huhusga sa ginawa niya. Dahil wala akong karapatan na husgahan siya bilang tao.. 

1 komento: