Huwebes, Hulyo 14, 2011
swirlling oasis: Agaw-Buhay
swirlling oasis: Agaw-Buhay: "Makulim ang kalangitan sa araw na ito. Habang nakaupo sa aking pwesto sa aking trabaho tanaw na tanaw ko ang maputlang kulay ng langit. Anim..."
swirlling oasis: MAY ISANG KAHAPON!
swirlling oasis: MAY ISANG KAHAPON!: "Mali nga ba'ng mabuhay sa anino ng kahapon. Kung ito lamang ang rason ng pagpapatuloy sa dako pa roon, Kung ito man ay mali, Pano naging ..."
swirlling oasis: Buhay Gagamba!
swirlling oasis: Buhay Gagamba!: "Kahit saang lugar ka magpunta normal na ang gagamba na makikita. Kadalasan ito ay makikita sa mga dahon ng halaman at sa mga puno. Ngunit ka..."
swirlling oasis: In my Dreams
swirlling oasis: In my Dreams: "Walking in the park hand in hand we're laughing. Talking senseless things that only two hearts understood. I'm laying my head in your sho..."
In my Dreams
Walking in the park hand in hand we're laughing.
Talking senseless things that only two hearts understood.
I'm laying my head in your shoulder and i could hear your heartbeat.
I thought it was calling my name as your beloved.
In the park you are mine and i am yours.
Nothing there but us in our private world.
I can hold you in my arms forever
Until the sun arise and i wake up, You are mine!
In my dreams...

Miyerkules, Hulyo 13, 2011
Buhay Gagamba!
Kahit saang lugar ka magpunta normal na ang gagamba na makikita. Kadalasan ito ay makikita sa mga dahon ng halaman at sa mga puno. Ngunit kahit sa loob ng bahay sila din ay makikita. Ang common house spider o ( Achaearanea tepidariorum) na babae ay sumusukat ng 5-8mm sa haba. At ang mga lalaki ay mas maliit sa laki, sa sukat na 4mm.Kadalasan ang mga gagamba ay ginagamit na simbolo sa art at sa mga mitolohiya.Marahil dahil sa karakterismo nito sa pagiging malikhain at sa haba ang pasensya sa pagbuo ng kanilang bahay o web. At ang paraan ng kanilang pagpatay sa kanilang mga nasisilang biktima upang gawing pagkain. Ang gagamba ay walang kakayahang kumain ng buong pagkain kaya't sinisipsip lang nila ang katas ng kanilang nagiging biktima at iniiwanan ang natitira sa katawan nito. Sa uri naman ng pagpaparami. Ang lalaking gagamba ay kadalasang nagiging biktima ng babaeng gagamba sa panahon ng reproduksion. Kadalasan sila ay kinakain ng babaeng gagamba sa panahon ng pagpaparami. Kaya't gumagamit ng maselang paraan ng panliligaw ang lalaking gagamba upang maiwasang sila ay kainin ng babae. May isang klase ng gagamba na kung tawagin ay jumping spider na kailangan sumayaw ang lalaking gagamba upang mapaibig niya ang babae.Sapagkat malinaw ang paningin ng jumping spiders kaya't kinakailangan ang masusi at maayos na galaw ng lalaking gagamba upang mapaibig niya ang babae.Ang isa pang uri ng gagamba na Red Back Spider kung saan kusang loob na nagpapakain ang lalaki sa babaeng gagamba matapos ang pagsisiping.Ayun sa pag aaral kunti lang ang masuswerting lalaking red back spider na nabibigyan ng pagkakataon na magparami. At ang masuswerting iyon ay kinakailangang panatilihing busog ang babaeng red back upang maiwasang sila ang kainin nito. Ang babaeng gagamba ay nangingitlog ng umaabot sa tatlong libo sa loob ng egg sack nito. Sa ibang uri ng gagamba namamatay ang babaeng gagamba matapos nitong mangitlog.Ang buhay ng gagamba ay tunatagal depende sa lahi nito. Ang iba ay umaabot ng 1 hanggang sa 2 taon.Maliban sa Tarantula na umaabot ng mahigit sa 20 taon.
Mabuti nalang at iba ang tao sa gagamba. Dahil kung nagkataon. Sorry nalang sa mga kalalakihan. :)

Lunes, Hulyo 11, 2011
MAY ISANG KAHAPON!
Mali nga ba'ng mabuhay sa anino ng kahapon.
Kung ito lamang ang rason ng pagpapatuloy sa dako pa roon,
Kung ito man ay mali,
Pano naging mali ang isang pag-ibig.
Kung ito lamang ang panghahawakan ng pusong umiibig.
Kung ang pag-ibig nalang ang natitirang tama sa mundo
Pano naging mali ang umibig,
Isang pag-ibig na tama sa maling panahon
Pag-ibig na tama ngunit sa maling pagkakataon.

Sabado, Hulyo 9, 2011
Agaw-Buhay
Makulim ang kalangitan sa araw na ito. Habang nakaupo sa aking pwesto sa aking trabaho tanaw na tanaw ko ang maputlang kulay ng langit. Animo'y nagbabadya ng pag ulan. Bigla kong naisip wala akong dalang payong. Pero ok lang kung sakaling umulan man alam kung ito'y titila din. At dun nalang ako maglalakad papunta sa sakayan pauwi. Sa buhay ng tao maari din nating ihalintulad ang pabago bagong kalagayan ng panahon. May mga pagkakataon na para bagang wala ng katapusan ang mga dagok ng dumarating sa ating buhay. Ngunit pag ito'y tumigil at nakatayo parin tayo. Doon natin maiisip na kaya pala nating lumaban at magpatuloy sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok na nakaharang sa ating dinadaanan.
Bigla kong naalala ang pinagdaanan ko siyam na buwan ang nakalilipas. Di ko lubos maisip na andito parin ako ngayon normal na nakikipagsabayan sa buhay na animo'y walang nangyari. Octobre 22 taong 2010 ala-una ng madaling araw ako ay mabilisang isinailalim sa isang maselang operasyon upang tanggalin ang bahagi ng aking maliit na bituka. Ayun sa mga doctor ako ay nagkaron ng isang abnormalidad sa aking maliit na bituka na tinatawag nilang entussusseption- is a medical condition in which a part of the intestine has invaginated into another section of the intestine.Similar to the way a collapsible telescope slide into one another. Kinailanganing putulin ang bahagi ng aking bituka. Ipinasok ako sa nasabing hospital dakong alas dose ng tanghali at pagkalipas ng maraming mga pagsusuri sa gabi ding iyon agara nilang isinagawa ang operasyon upang sagipin ang aking buhay. Mahaba-haba din ang paghihirap na aking tiniis bago natuntun ng mga doctor kung ano ang sanhi ng tatlong buwang matinding pananakit ng tiyan na aking nararanasan. Dalawang clinic, tatlong hospital isama narin natin ang espiritistang pinagdalhan sakin. Kung ano anong mga sakit ang sinabi nila sakin. Merun daw akong ulcer,UTI,dyspepsia, acidic daw ako at ayun sa espiritista merun daw di ko alam kung tao o lamang lupa ang nagkagusto sakin kaya ganun na lamang ang di maipaliwanag na matinding sakit na aking naramdaman. Kung ano-anong mga gamot ang ipina inom sakin ng mga doctor at pinainom ako ng esperitista ng mantika na di ko alam kung saan niya kinuha at di ko maintindihan ang lasa. Ngunit ito ay ininum ko para lamang ako ay gumaling. Ngunit sa kabila nun walang pagbabago sa aking nararamdaman bagkus ito ay lumala pa. Hanggang sa dumating ang puntong di na ko makakain, di makalakad at di makatulog sa matinding sakit. Sa mga oras na iyon tanggap ko na sa aking sarili na marahil iyon na ang aking katapusan. Nagdasal ako sa Diyos na sana kung kukunin na niya ako. Bilisan naman niya ng matapos na ang paghihirap ko. Minsan naiisipan kung pigilan ang aking paghinga para matapos na. Ngunit tuwing naiisip kung gawin yun. Naaalala ko ang aking ina na nasa probinsya. Kamamatay lang ng aking ama isang buwan pa lamang ang nakalilipas at ito naman ako balak pa yatang isunod. Alam kong hindi kakayanin ng aking ina kung sakaling ako din ay mawala. Kaya't pinilit kung ipaglaban ang buhay ko sa kabila ng matinding sakit. Nilabanan ko ang sakit hindi para sa aking sarili kundi para sa aking pamilya na hindi sumusuko para sa akin. Marahil dininig ng Diyos ang aming mga panalangin, may nagsabi sa aking kapatid na dalhin ako sa isang pribadong ospital na espesyalista sa ibat-ibang uri ng karamdaman. Alam naming mahal ang nasabing ospital at siguradong hindi namin kakayanin ang magpagamot doon. Ngunit hindi pinanghinaan ng loob ang aking pamilya. Sa araw ding iyon ako ay dinala nila sa nasabing pagamutan. Pakiwari ko iyon na ang pinaka matagal na beyahe ng aking buhay. Nakarating kami dakong alas dose ng tanghali. Kinagabihan niyon isinagawa ang agarang operasyon upang masagip ang aking buhay. Dahil ayun sa mga doctor kung hindi ako operahin sa gabing iyon hindi na kakayanin ng aking katawan na umabot ng kinabukasan.
Sa gabing iyon pinutol ang bahagi ng aking bituka at muling idinugtong. Milagro na maituturing na nakayanan ko ang paghihirap na iyon sa kung kaylan malapit na bumigay ang aking katawan sinagip ako ng Diyos sa tiyak na kamatayan. Itinuro niya sa pamilya ko ang mga taong makakatulong upang ako ay maligtas. Nang magising ako sa isang silid pinakiramdaman ko kung buhay paba ako. At nang maramdaman ko ang kirot ng sugat sanhi ng operasyon natuwa ako kahit papano. Tagumpay ang pinaglaban ko "Buhay pa ko" Isang buwan akong nagpagaling sa ospital. Matapos ang operasyon pinilit kong lumakad. Sobrang hirap animo'y naubos lahat ng lakas na merun ako. Kahit ang tumayo sa aking kama hindi ko magawa.
At ngayon makalipas ang siyam na buwan matapos ang pangyayaring iyon. Andito ako at gustong ibahagi sa inyo ang milagro nang aking pangalawang buhay. Ang hirap na aking pinagdaanan, binuno at nilabanan para sa aking mga mahal sa buhay. Alam kong marami pa akong mga pagsubok na haharapin hanggang sa aking pagtanda at sa pagsasara ng kwento ng aking buhay. Ngunit alam kong gaya ng sakit na aking nalagpasan at napagtagumpayan. Itoy muli kong kakayanin dahil alam kung andyan ang aking Diyos na laging nakabantay at ang aking pamilya na alam kong hindi ako iiwan. Tanggap ko sa aking sarili na sa paglipas ng panahon. Tatanda ako at mamatay. Ngunit ang milagrong nangyari sakin ay dadalhin ko hanggang sa huling hantungan. Sa huli nagpapasalamat ako una sa Diyos na alam kung walang sawang gumagabay sa tao noon, ngayon at sa darating pang panahon. Pangalawa sa aking pamilya na hindi ako iniwan sa gitna ng aking pakikipaglaban.
Ang buhay ay nagpapatuloy kahit anong kondisyon merun tayo sa kasalukuyan. sa tag gutom man o sa sakit at sa hirap. Gaya ng oras patuloy itong tumatakbo. Ang mahalaga ay ang mga pakikipaglaban na ating napagtatagumpayan. At ang mga aral na ating natututunan at babaunin hanggang sa huling sandali ng ating buhay. At sa kung pano natin ito maibabahagi sa ating kapwa upang maging gabay din nila sa kanilang pakikipag buno sa araw-araw.

Huwebes, Hulyo 7, 2011
Ang Lumang Cellphone
Ang ordinaryong araw ko ay magsisimula ng ika-pito ng umaga. Pagkasing tutuloy na ako ng banyo upang maghilamos upang gisingin ang natutulog ko pang diwa. Pagkatapos nun ay pupunta ako ng kusina upang tingnan kung kailangan ko pa bang magluto o kung ano nalang ang natira sa hapunan yun nalang ang gagawin kong pang umaga. Pagkakain ako'y maliligo na upang maihanda ang sarili sa alas-diyes na pasok sa trabaho.
Ika-pito ng Hulyo taong 2011. Isang ordinaryong umaga. Pagdating sa trabaho, kagaya ng nakasanayan bubuksan ko ang lahat ng computer upang maihanda sa pagdating ng mga customer, sapagkat ako ay nagtatrabaho sa isang computer shop. Gaya ng inaasahan di katagalay isa-isa ng nagsidatingan ang mga parokyano ng shop na pinapasukan ko. Patuloy lang ang mga tsansaksyon sa umagang iyong hanggang sa may dumating na mama na magpapakopya daw sya ng nbi clearance nya. Tinanong ko sya kung ilang kopya ang kailangan nya. Doon ay nagduda ako sa sagot nya dahil parang hindi niya alm ang sasabihin nya. Na pakiwari ko'y hindi naman talaga iyon ang sadya niya. Ngunit dahil siya ay kustumer pinakiharapan ko siya ng maayos. Hanggang sa huli hindi naman pala niya itunoloy kung anuman ang gusto niyang ipagawa sa akin. Mabilis itong umalis. Lumipas ang mga oras hanggang sa naalala ko ang isa kung cellphone na inilagay ko sa drawer ng aking mesa. Tiningnan ko upang alamin baka me nag padala ng mensahe. Doon ay napag alaman ko na nawawala ang aking cellphone. Hinanap ko ito ngunit di ko talaga matagpuan. Doon ay naalala ko ang kaduda-dudang lalaki na lumapit sakin. Hindi maganda ang magbintang sa kapwa. Ngunit siya lang ang bukod tanging lumapit sa pwesto ko na wala namang pinagawa o maayos na dahilan upang lumapit sa pwesto ko.
Una'y nagalit ako. Oo luma na ang cellphone na yun. Di na nga iyon nagtatagal ng isang araw kapag ginamit mo pantawag. sapagkat luma na ang battery nun. Pero matagal na iyon sakin. At iyon ang kasama ko sa halos anim na taon. Kaya't kahit na may bago na akong cellphone di ko parin iyon pinamigay.Ang trato ko doon ay hindi lang isang bagay. Kundi isang mahalagang kaibigan. Gusto kung maiyak ngunit ano paba ang magagawa ko. Hindi rin nun maibabalik ang nawala. Nag isip ako ng malalim. Alam ko kahit kaylan di na maibabalik sakin ang gamit ko na yun. Ngunit alam kong may nakakita sa pangyayaring iyon. Ang Diyos na siyang maghuhusga pagdating ng araw. Oo galit ako dun sa kumuha ng gamit ko. Pero ayokong ubusin ang araw ko sa galit. Kahit na namimis ko ang luma kong cellphone na iyon. Unti-unti kung tinanggap sa sarili ko na may mga bagay na kahit anong gawin mo, nangyayari ng di mo inaasahan. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na ganun talaga ang buhay dito sa mundo. May mga taong walang pakialam at pagpapahalaga sa kapwa nila. At sariling kagustuhan at pangangailangan lamang ang iniisip. At sa nangyari isang mahalagang leksyon ang natutunan ko. Oo di tama ang humusga sa kapwa dahil lamang sa mukha silang masama. Pero di rin mali ang mag ingat at maging alerto sa mga nararamdaman natin. Dahil ang pagiging mapagmatyag kadalasan iyon ang nagliligtas satin sa posibling masamang mangyari.
Sa araw na ito tanggap ko na sa sarili ko na di ko na makikita ang gamit ko na iyon kahit kaylan. Ngunit ang pagpapahalaga ko doon ay mananatili sa aking puso. May mga oras na sinisisi ko ang aking sarili. Na sana kung di ako naging pabaya kasama ko pa sana ang cellphone ko na iyon. Ngunit iniisip ko rin sa malaot madali mawawala din iyon sa akin. Dahil lahat ng bagay ay may katapusan. Posibleng ito ay mawala o masira. Ang mahalaga sa lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay ang mga aral na ating natututunan. Upang tayo'y maging mas mabuting tao sa hinaharap..
Paalam na sa aking lumang cellphone. Ngunit ang pinagsamahan namin ay di na mabubura sa aking puso.. Doon sa kumuha noon ang Diyos ang nakakita at huhusga sa ginawa niya. Dahil wala akong karapatan na husgahan siya bilang tao..

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)